x
uniquenadz
Geez Banana, shut your freakin' gob
 
College Outing

                    It's my first out of town with my College buddies, though we live in different towns and going to each other's town is technically going out of town. Anyway, it was so great. We had a smooth ride, everyone was enjoying the trip. I think this will be better narrated in Tagalog.

                                          

                 Nagkakantahan kami habang nakasakay sa van kayalang iba-ibang kanta sinasabayan namin. Ito na ba ang makabagong paraan ng pagkanta? Haha, sabay sabay nga pero hindi naman parepareho, dulot ng mp3 at ipod. Tapos si Kathleen yung nagturo ng directions ang galing eh, pero kawawa rin kasi walang masyadong nagtiwala sa kaniya. Sya mismo hindi nagtiwala sa sarili niya eh, prepared to get lost ng prepared ko get lost. Tapos nakarating din kami, dala siguro ng takot ni Kathleen na hindi siya papakainin.

 

               Pagdating namin sa Resort, nag-tayo ng tent. Tapos kumain na ng mga ulam na dala ni Dabs, sarap sarap eh. Na-jauntis mga tummies namin. Tapos excited na sila magbeach kahit sobrang low tide, kami nila Dabbi, Kathleen at Cielo mga KJ ayaw magpa-araw. Ayun naging baggage counter nanaman kami habang sila enjoy sa pagpicture picture at pagdapa sa beach. Nangitim din naman kami kahit nasa silong. Si Cielo di malaman kung ano isusuot, una nagpalit ng bikini tas yung shirt niya na Vigan. Tapos ang init daw edi tinanggal nia pero conservative daw sya kaya nag high waist na shorts, ang panget daw edi tinry nia ung dress na binili nia sa Bora. Muka daw syang Nanay edi nagpalit nanaman hanggang bumalik din sya sa una niang suot.

 

                Mga 4 tinawag na namin sila kasi gusto nanaming magswimming. Di nga nila kami pinapansin nung una eh, tapos grabe sa grabehan yung pagka lowtide eh. Dumapa nalang din kami para maka experience ng konting tubig, pero saglit lang din kami kasi may nakitang Sea Snake sila Paulette at Steff. Edi umalis kaming nagtitilian.

 

                  Pagbalik namin nagiihaw na sila ng Angel's footlong at Tilapia. HEAVEN. Sobrang HEAVEN ng footlong. Mga eight after magshower nung ibang girls, pagkatapos ni Archie gumawa ng bonfire, nagdecide kaming maglaro ng card games na may halong SHOT or TRUTH pag natalo. Galing ni Au magsalok ng GrandMa eh. Practice muna kami nung una habang inaantay sila Mishen matapos, sobrang exciting eh. Nagkakasikuhan at tamaan ng dede sa table pero masaya pa din. Ang loser ko eh pero nung una lang kasi sobrang nagcoconcentrate ako sa pagbuo ng 2 pairs.

 

                   Pagdating nila Mishen ayun na sobrang saya na, daming rounds ng 1 2 3 Pass. Nakaka tense kasi si Rover kung gumalaw nakaka-alarma eh. Ha-Ha. Si Paulette bumabanat na, pero nandadaya naman sila lol. Tapos inuman, ako 3 drops lang ininom ko. Masabi lang haha.

 

                   Tapos inantok na ko, natulog ako saglit sa tent pero di ako makatulog ng mahimbing feeling ko kasi magmaghihiwa ng tent at re-rapin or sasaksakin ako bigla. Paranoid eh. Tapos nagising ako kasi ang pawis na ng noo at leeg ko, tibay nila Cielo at Kathleen nagbabaraha padin habang nag fa-fartathon. After ko kumain ulit at makinig sa itouch ni Kathleen natulog na ulit ako. Sila Cielo at Kathleen, wow hindi natulog. Si Clare naman hanggang hating gabi naglilinis pa din, pagdating palang namin sobrang inaasikaso na niya lahat eh.

 

                   6 ng umaga nagising ako, ang sarap sarap ng tulog ko weird. Ang tigas pa naman ng higaan. Walang toothbrush toothbrush eh nagsuot na agad ako ng swimsuit kasi nagsusuot na din sila. Picture picture bago mag sunrise. Mejo humigh-tide ng konti abot tuhod kaya naka gapang gapang ako sa tubig. Hay kay ganda ng Nature. Ligo nanaman tapos tulog sa van. After 30 minutes si Mishen nang-gising tamang banat ng "Goodmorning Kathleen," "Hi Nads maganda ka pa sa umaga," "Cielo your the best!" Tapos sabay alis, haha. Nagulantang kaming tatlo eh, feeling ko aalis na. Wala lang pala.

 

                Finally umalis na kami ng mga 10 tapos super kantahan to the max. Si Cielo natapos ata isang album ng Incubus, tapos super tulugan. Nakanga-nga pa ko. Tapos nagising na kami pagdating sa Tagaytay, stop over sa 7 eleven at bumili ng pasalubong on the way. Pineapple, Sinenggwelas at Peanuts. Yeee dumaan sa Belair kaya libre uwi ko, pagbaba ko eh halos di na ko makalakad sa bitbitin eh buti nalang may mabait na McDo staff at tinanong kung galing Tagaytay mga pinamili ko. Tapos sabi kung pwede daw niyang bilhin isa kong pinya, sabi ko pasalubong ko po kay Lola to eh. Penge nalang daw ng 2 mani, sabi ko hilaw po to eh. Ok lang daw haha, tinulungan naman niya ko magbitbit kaya binigyan ko na din sya ng isang pinya. Haha. Ano ba tong entry na to. LOL

                                                            

No Candies - BUY ONE
 
Calendar

July 2008
12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031

June 2008
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930

May 2008
123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031


Older

Friends

It's Thursday.
- Thank God my fourth of July weekend has begun. This three day weekend is really...
...
vent/rant
- It's been sooo long since we've been able to have sex. The doctor never said we couldn't kiss or...
...
my sister and me...
- ssh if my doctor knew, she'd kick my ass and throw me in the hospital. The others are...
...
Crazy 40

Introducing: The Spoon
- We have a spoon at work that stares at everyone... it originally started out because...
...
28/40 replies (Reply Now)